2 sugatan sa salpukan ng sasakyan sa Las Piñas City

By Cyrille Cupino July 04, 2017 - 08:03 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Dalawa ang sugatan sa salpukan ng kotse at isang van sa Alabang-Zapote Rd., Las Piñas City.

Ayon kay Christian Corpuz, desk officer ng Brgy. Pamplona, papunta sana ng Zapote ang itim na Toyota Vios habang papunta ng Alabang ang puting Toyota HiAce nang magbanggaan ang mga ito sa kanto ng Real Street.

Sugatan ang mga biktimang sina Franky at Michelle Magallanes na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na posibleng nag-counterflow ang isa sa mga sasakyan at nahirapan nang maka-preno nang magkasalubungan.

Nagkataong sa pakurba na bahagi ng daan o ‘blindspot’ naganap ang banggaan.

Dinala na sa ospital ang mga sugatan, habang isasailalim naman sa imbestigasyon ang mga driver ng mga sasakyan na sina Adrian Andaya at John Matthew Solaro.

 

 

 

TAGS: accident, head on collision, Las Piñas City, accident, head on collision, Las Piñas City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.