Pagsusukbit ni Duterte ng baril, dinipensahan ni Lorenzana

 

Ipinagtanggol ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagbibitbit ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kaniyang sarilin baril.

Ayon kay Lorenzana, walang dapat ikabahala ang publiko sa pagdadala ni Duterte ng baril at dapat na itong kasanayan.

Mula pa lang aniya noong 1988 nang siya ay maging alkalde ng Davao City, kilala na si Duterte sa hilig nito sa mga baril.

Ani pa Lorenzana, iniisip pa nga niya kung may pagkakataon na pumunta sa Malacañang ang pangulo nang walang dalang baril.

Dagdag pa ng kalihim, mula nang tanggapin niya ang trabaho niya ay nagdadala na rin siya ng sarili niyang baril bilang proteksyon.

Noong Linggo kasi ay ipinakita ng pangulo sa mga tao sa Tagum City ang baril na nakasukbit sa kaniyang bewang.

Paliwanag pa ni Lorenzana, wala namang banta sa seguridad ng pangulo pero ito ay bilang pag-iingat lamang.

Wala aniyang dapat ikatakot sa ganitong gawain ng pangulo dahil normal naman ito para sa kaniya.

Read more...