Mga nasibak na pulis, hindi na makakabalik sa PNP – Dela Rosa

By Kabie Aenlle July 04, 2017 - 04:23 AM

 

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa na hindi na makakabalik sa serbisyo ang sinumang pulis na masasangkot sa malalaking krimen.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Dela Rosa na hangga’t si Pangulong Rodrigo Duterte ang namumuno, walang mare-reinstate na mga pulis na nasibak dahil sa pagkakadawit sa krimen.

Pangako pa ni Dela Rosa, kahit pa siya ay magretiro na at makita niyang ma-reinstate ang isa sa mga ito, lalapit siya sa pangulo para i-apela ang pagbabalik nito sa serbisyo.

Kabilang aniya sa mga nakikita niyang hindi na makapagsisilbi muli sa pulisya ay iyong mga sangkot sa pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo at kay Albuera Mayor Rolande Espinosa.

Samantala, sinabi naman ni Dela Rosa na tanging si Duterte lang ang makaka-sibak sa dalawang tinaguriang “narco-generals.”

Kahapon ay nilagdaan na ni Dela Rosa ang dismissal order para kina Supt. Rafael Dumlao III, SPO2 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at Jerry Omlang na sangkot sa Jee Ick Joo slay case.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.