Mga rescue teams sa Marawi, tinaguriang ‘Suicide Squad’
Hindi lamang mga sundalo at pulis ang humaharap sa panganib sa Marawi City.
Sa kalagitnaan ng bakbakan, isang grupo ng mga rescue and recovery team ang pumapasok sa lugar na may kaguluhan sa lungsod upang magligtas ng mga naiipit pang sibilyan at magrekober ng mga patay sa gitna ng gyera kontra sa Maute terror group.
Sa panayam ng Reuters, inamin ng 39-anyos na si Saripada Pacasum Jr., na nahirapan siyang gampanan ang kanyang tungkulin nang unang makakita ng naagnas na bangkay sa gitna ng kaguluhan.
Gayunman, mistula na siya aniyang nasanay sa amoy ng at panganib na kanyang sinusuong kasama ang nasa 30 pang miyembro ng rescue at retrieval team ng lokal na disaster relief office.
Ang grupo ni Pacasum ang tinaguriang ‘white helmet’ o ‘suicide squad’ dahil sa panganib na kanilang pinapasok sa tuwing papasok sa conflict area upang magsagip ng mga sibilyan o magrekober ng mga bangkay.
Karamihan sa kanila aniya ay mga residente rin ng Marawi City at mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Aminado ang grupo na matinding kalungkutan ang kanikang nararamdaman sa sinapit ng kanilang lungsod sa kamay ng Maute terror group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.