Okupado na ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang Northbound lane ng EDSA – Ortigas.
Libu-libong miyembro ng INC ang nagtitipon-tipon na ngayon sa EDSA shrine kaya sinakop na nila ang EDSA at hindi na madaanan ng mga sasakyang patungo ng Quezon City area.
Dahil dito ang lahat ng sasakyang pa-northbound ay sa EDSA-Ortigas flyover na lamang maaring makadaan.
Ang southbound lane naman ay apektado na rin dahil sa sobrang dami ng tao. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) maging ang southbound lane ay nabarahan na rin ng mga nagpoprotesta.
“EDSA Shrine NB/SB Service Roads are not passable due to INC group vigil as of 9:01 PM. Please take alternate routes,” ayon sa abiso ng MMDA.
Maging sa mga overpass ay mayroon ding mga nagpo-protesta na may dala-dalang mga tarpaulins.
Mayroon ding malaking bilang ng INC members sa bahagi ng EDSA-Shaw Boulevard Northbound lane.
Ang mga miyembro ng INC na naunang nagtipon-tipon sa Padre Faura sa Maynila ay nagmartsa na rin patungo sa EDSA shrine.