DepEd official patay sa pananambang sa Pagadian City

By Jay Dones July 04, 2017 - 04:20 AM

 

Patay ang isang opisyal n Department of Education sa Zamboanga del Sur makaraang itong tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Pagadian City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Malcolm Borongan, Director for Zamboanga Del Sur ng Department of Education na nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng ulo at katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nasa kanya mismong thanksgiving party umano ang biktima nang ito’y pagbabarilin ng armadong salarin, Lunes, ng alas-6:00 ng gabi.

Napag-alaman na bagong-talaga pa lamang sa kanyang puwesto ng biktima kaya ito nagdiriwang ng thanskgiving party.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.