Ex-BFP chief, guilty sa ‘ghost repair’ ng sasakyan

 

Contributed photo for Radyo Inquirer

Hinatulang guilty ng 3rd Division ng Sandiganbayan ang dating hepe ng Bureau of Fire Protection at isa pang dating mataas na opisyal nito kaugnay sa kasong katiwalian.

Ayon sa anti-graft court, napatunayang guilty beyond reasonable doubt sina dating BFP Chief Francisco Senot at Finance Service Unit head Florante Cruz sa 5 counts na estafa through falsification of public documents at 5 counts ng graft.

Pagkakakulong na mula anim na taon hanggang sampung taon at isang araw na pagkakabilanggo sa bawat bilang ng kaso ang parusang ipinataw ng korte bukod pa ang multang tig-P25,000.

Ang kaso ay kaugnay sa ghost repair ng dalawang sasakyan ng BFP noong 2001 kung saan sinasabing pineke ng mga ito ang voucher upang makapag isyu ng tseke na pambayad sa dalawang beses na repair ng isang KIA Besta Van at tatlong beses sa isang Isuzu Elf truck.

Gumastos ang pamahalaan ng mahigit P118,000 para sa Kia Besta van at mahigit P71,000 sa Isuzu Elf truck pero napatunayang wala namang repair na nangyari.

Read more...