Sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), sinabi ni Dr. Lorena Purisima na dinala ang sanggol sa kanilang clinic pasado alas onse ng umaga ng Lunes.
Natagpuan aniya ng airport attendant na si Maricel Guliman ang nasabing sanggol sa basurahan sa isa sa mga banyo ng west arrival curbside section ng NAIA.
Sinabi ni Guliman na naghinala na siya sa isang babae na pumasok sa banyo dahil natagalan bago ito lumabas sa cubicle ng banyo.
Nang umalis na aniya ang nasabing babae, dito na niya nadiskubre na punung-puno na ng dugo ang sahig ng cubicle, at ang naghihingalong sangggol ay nasa loob ng basurahan.
Paliwanag ni Dr. Purisima, kulay asul na ang sanggol simula sa leeg nito hanggang sa ulo, nahihirapan nang huminga, at mabagal na ang heart beat nang dahil sa clinic ng MIAA.
Tumagal ng tatlumpung minuto ang ginawa resuscitation sanggol bago tuluyang maging normal ang kondisyon nito.
Matapos nito ay agad na dinala ang sanggol sa Pasay City General Hospital para obserbahan.