NPA members arestado sa pangingikil sa Pampanga

By Mariel Cruz July 03, 2017 - 05:00 PM

Arestado ang anim na hinihinalang miyembro ng New People’s Army, kabilang na ang isang 80-anyos na lalaki, sa San Fernando City, Pampanga.

Nabatid na tinangkang mangikil ng pera ang mga suspek sa isang negosyante.

Ayon kay San Fernando City Police Chief P/Supt. Roland Agohob, nakilala ang mga suspek na sina Leonides Ramos, 80 yrs old; Jay Dizon, 40 yrs old; Jobeth Caranza, 27 yrs old; Darwin Santiago, 36 yrs old; Roderick Laxamana, 42 yrs old; at Alex Guevarra, 38 yrs old.

Inaresto ang mga ito matapos makatanggap ng reklamo mula sa businessman na si Ladislao del Rosario, residente ng Barangay Del Pilar.

Hindi na idinetalye ng mga otoridad ang halaga ng pera o bagay na tinangkang hingin ng mga suspek, maging ang impormasyon ukol sa koneksyon ng mga ito sa NPA.

Narekober naman ng mga pulis sa suspek ang isang hand grenade, .38 pistol, revolver, .22 pistol, 9mm handgun, limang sachet ng hinihinalang shabu, at dalawang sasakyan na may plate numbers na ABJ 4046 at WGL847.

TAGS: CPP, Extortion, NPA, Pampanga, PNP, CPP, Extortion, NPA, Pampanga, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.