May posibilidad na sangkot na ang ilang miyembro ng Special Action Force (SAF) sa muling paglaganap ng illegal drug tradde sa loob ng New Bilibid Prison, ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.
Una nang inamin ni Aguirre na muling nabuhay ang paglaganap ng drug trade sa loob ng Bilibid.
Sinabi din ni Aguirre na posibleng nasangkot ang ilang miyembro ng SAF sa drug trade dahil sa kagustuhan na mapalapit sa mga inmates.
Noong nakaraang taon, idineploy ang higit 300 SAF members sa Bilibid, at sa orihinal na plano, tatagal lamang sila nang tatlo hanggang anim na buwan, at pagkatapos ay papalitan na ng mga miyembro ng Philippine Marines.
Pero ayon kay Aguirre, hindi nangyari ang rotation dahil hanggang ngayon ay nakikipagbakbakan pa sa Marawi City at iba pang parte ng Mindanao ang mga Marines.
Binanggit pa ng kalihim na dahil na rin sa malaking halaga ng pera, maaaring natukso ang ilang gwardiya na tanggapin ang suhol mula sa mga drug dealers na preso.
Sinabi ni Aguirre na makikipag-usap siya sa pinuno ng SAF para sa posibilidad na pag-iimbestiga sa nasabing usapin. / Mariel Cruz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.