MNLF bumuo ng bagong grupo para hindi maulit ang Marawi siege

By Justinne Punsalang July 03, 2017 - 04:48 PM

Inquirer photo

Inilunsad ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang kanilang Anti-Kidnapping and Anti-Terrorism Task Force sa Sulu, upang tulungan ang mga pwersa ng pamahalaan  laban sa Abu Sayyaf at kanilang mga kaalyadong grupo.

Sa pamumuno ni Yusup Jikiri, chairman ng MNLF Council at ni Muslimin Sema, dating alkalde ng Cotabato City, nagpakalat sila ng mga miyembro ng naturang task force sa Baranay Pasil sa bayan ng Indanan.

Ayon kay Jikiri, ang Anti-Kidnapping and Terrorism Task Force ay isang inisyatibo ng MNLF Central Committee na ikinunsulta at inaprubahan ng Duterte administration.

Pinag-usapan aniya ito ng MNLF at nina Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr. ng Western Mindanao Command, Brig. Gen. Cirilito Sobejana ng Joint Task Force Sulu, National Security Adviser Hermogenes Esperon, at Presidential Peace Adviser Jesus Dureza.

Nanawagan rin si Jikiri sa MNLF community at mga residente ng Sulu na kailangan nilang umaksyon laban sa mga terorista upang hindi mangyari sa kanilang lugar ang kasalukuyang kaguluhan sa Marawi.

Ayon naman kay Sobejana, mayroon silang natatanggap na importmasyon na nakakatakas ang mga miyembro ng Abu Sayyaf mula sa Mt. Sinumaan Complex, na siyang sentro ng military operations sa Patikul, Sulu.

Aniya, makatutulong ang MNLF na mapuntahan ang mga pinagkukutaan ng Abu Sayyaf na hindi maabot ng pwersa ng pamahalaan.

Pinaalalahanan naman ni Sobejana ang mga MNLF members na maaari lamang silang magdala ng armas sa kanilang kominidad.

Kailangan aniya na naka damit sibilyan at walang dalang mga armas ang MNLF kung lalabas sila ng kanilang kinikilalang mga nasasakupan.

Ang pakikipagtulungan ng MNLF sa mga militar na nasa Sulu ay kasabay naman ng pakikipagtulungan ng MILF sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

TAGS: Abu Sayyaf, anti kidnapping group, marawi, Maute, mnlf, Sulu, Abu Sayyaf, anti kidnapping group, marawi, Maute, mnlf, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.