Mga pulis na pumatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo sinibak
Pipirmahan na ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ang dismissal order ng mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ayon kay dela Rosa, kabilang sa mga sisibakin sa serbisyo sina Supt. Rafael Dumlao III na umano’y mastermind sa pagpatay kay Jee at sina SPO2 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at Jerry Omlang.
Ayon kay dela Rosa, sisibakin niya sa puwesto ang apat na pulis base na rin sa naging rekomendasyon ng Internal Affairs Service.
Matatandaang una nang inatasan ni dela Rosa ang PNP-IAS na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkakasangkot ng apat na pulis sa kaso ni Jee.
Una rito, sinabi ni dela Rosa na pipirmahan na rin niya ngayong araw ang dismissal order nina Supt. Maria Christina Nobleza, pulis na naaresto sa Bohol kasama ang Abu Sayyaf member at Supt Lito Cabamongan, ang pinuno ng Muntinlupa Crime Laboratory na nahuli sa aktong nagpa-pot session sa Las Piñas City kamakailan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.