Supt. Christina Nobleza, 83 iba pa, sisibakin na sa serbisyo

By Chona Yu July 03, 2017 - 12:57 PM

Tuluyan nang sisibakin ni Philippine National Police chief director general Ronald Dela Rosa ang dalawang opisyal ng PNP.

Kabilang sa masisibak si Supt. Maria Christina Nobleza na may kasong illegal possession of firearms, harboring a criminal at conspiracy to commit terrorism.

Si Nobleza ay naaresto sa Bohol kasama ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na umanoy kaniya ring lover.

Sisibakin din ni Dela Rosa si Muntinlupa Crime Laboratory head Supt. Lito Cabamongan na may kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Si Cabamongan ang naaktuhang nagpa-pot session sa Las Piñas.

Bukod sa dalawa, walumpu’t dalawang iba pa ang sisibakin ni Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, ang pagkakasibak ng walumpu’t apat na pulis ay base na rin sa naging rekomendasyon ng internal affairs service.

 

 

 

 

TAGS: Abu Sayyaf, nobleza, PNP, Abu Sayyaf, nobleza, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.