6 ang patay sa plane crash sa Wisconsin USA

Patay ang anim na katao sa pagbagsak ng isang maliit na eroplano sa Wisconsin USA.

Ang Cessna plane 421 ay galing Chicago at patungong Canada nang ito ay mag-crash sa Harmony Township sa northern Wisconsin.

Agad nasawi ang anim na sakay nito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Transportation Safety Board sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano.

Bago ang plane crash, nakausap pa ng air traffic controllers ang piloto ng Cessna plane at sinabi umano nitong hindi maganda ang panahon sa lugar.

Makalipas ito ay nawala na sa radar ang eroplano at natagpuan ang bahagi nito sa kakahuyan.

Noong Sabado, isang Cessna plane din ang nag-crash sa Georgia na ikinasawi ng apat na katao.

 

 

 

 

 

Read more...