Truck na puno bangkay na pawang refugees mula sa Syria, inabandona sa highway sa Austria

AustriaIsang truck na puno ng 71 wala nang buhay na mga Syrian refugees ang inabandona sa highway sa Austria.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng 60 kalalakihan, 8 babae, at tatlong mga bata na nasa edad 2, 3 at 8.

Maliban sa labi ng mga biktima, may nakita ring mga travel documents sa loob ng truck.

Ayon kay Hans Peter Doskozil, police director ng Burgenland region sa Austria, pawang mga Syrian refugee group.

Nakita ang trak na iniwan sa A4 highway na nagkukunekta sa Budapest sa Hungary patungo sa Austrian Capital na Vienna. Nang buksan ng mga pulis ang likod ng trak ay nakita ang halos naaagnas nang mga katawan.

Natunton naman ang may-ari ng truck at dalawang driver nito na agad dinakip ng mga pulis.

Read more...