Mula June 23 hanggang June 28 ng taong kasalukuyan, nakapagbigay na ang NFA ng 6,067 na bag ng bigas sa Department of Social and Welfare Development (DSWD).
600 sa mga sako nito ay mula sa NFA Misamis Oriental; 1,867 sako galing sa General Santos City; 2,400 na sako mula Cotabato City habang 1,200 na sako naman ang galing sa Maguindanao.
May kabuuang 2,100 na sako naman ang na-isyu na sa Local Government ng Lanao del Norte at nasa 1000 sako ang kinuha galing sa Office of Civil Defense sa Lanao del Norte at sa Region 14 o ARMM.
Nasa 750 na sako naman ang binili ng Office of the Vice President at Office of the legislators sa NFA.
Samantala, tiniyak naman ni NFA administrator Jason Laureano Y. Aquino ang mga residente ng Mindanao na may sapat silang stock ng bigas sa rehiyon at handa rin silang magbigay ng tulong kung kinakailangan.