NBI, pasok na sa imbestigasyon sa masaker sa Bulacan
Inatasan na ni Justice Secretary Vitallano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay
na imbestigasyon sa massacre sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.
Ito ay upang mapalakas ang asunto laban sa suspek sa pagpaslang sa mga biktimang sina Estrella Carlos at ina nitong si Aurora Dizon pati na sa tatlong bata noong ika-27 ng Hunyo.
Ayon kay Aguirre, oras na matapos na ang imbestigasyon ay dapat na kagyat na isumite ng NBI ang kanilang ulat.
Matatandaan na tanging ang padre de pamilya lamang ng pamilya Carlos na si Dexter ang natira sa mag-anak dahil nasa trabaho siya nang maganap ang krimen.
Si Estrella Carlos ay nagtamo ng 45 beses na saksak, habang 32 naman ang tinamo ng lola na si Auring.
Pinatay din ng suspek ang tatlong anak anak ni Estrella.
Sa ngayon, isang suspek sa kaso ang hawak na ng mga pulis na umamin mismo sa ginawa niyang krimen.
Gayunman, hindi kumbinsido si Dexter Carlos na isang suspek lamang ang gumawa ng krimen at pumatay sa kaniyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.