Hinihinalang miyembro ng Al-Khilafa Philippines, arestado sa Sarangani
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng isang local terrorist group sa Maasim, Sarangani.
Ayon sa PDEA, ang suspek na si Moralen Conception Mashoy, na residente ng Barangay Kanalo ay naaresto sa ikinasang
drug buy-bust operation, Lunes ng umaga.
Nasabat mula sa suspek ang pitong sachet ng shabu.
Ikinasa ang operasyon laban sa suspek, makaraang makatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ito ng ilegal na droga sa nasabing barangay.
Ayon sa PDEA, si Mashoy ay kabilang sa mga pinaghihinalaang miyembro ng Ansarul Al-Khilafa Philippines, na isa sa apat na local terror groups sa lugar.
Ang tiyahin umano ni Mashoy ay asawa ng napatay na AKP leader na si Tokboy Maguid.
Sinasabing isa si Mashoy sa mga nakatakas na terorista nang isagawa ang operasyon laban sa AKP na ikinasawi ni Maguid noong buwan ng Enero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.