Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Maynila

By Cyrille Cupino July 03, 2017 - 08:17 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang isang lalaki matapos ma-entrap sa isang operasyon dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Kwento ng biktima na may-ari ng motor, nakuha sa CCTV ang pag-tangay ng suspect na si Kuniharu Mangaron, 19 anyos, noong June 28.

Kahapon, nakita ng biktima ang motor sa isang talyer malapit lamang sa kanilang bahay, kung saan pinapalitan ni Mangaron ang susian nito.

Dumulog na sa pulisya ang biktima at nagkasa ng operasyon ang Manila Police District Anti-carnapping Unit para mahuli ang suspect.

Ayon kay Sr. Insp. Jake Arcilla, hepe ng MPD Anti-Carnapping Unit, sa pamamagitan ng posseur-buyer, nabili ang motor sa halagang 15 thousand pesos sa kanto ng Tayuman at Abad Santos.

Itinanggi naman ng suspect na siya ang tumangay ng motor, at sinabing ipinabenta lang ito sa kanya.

Nakakulong na ngayon ang suspect at mahaharap sa kasong carnapping.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: carnapping, metro news, motorcycle, MPD, carnapping, metro news, motorcycle, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.