Nasa labas na ng bansa ang bagyong Emong at ngayon ay patungo na sa Japan.
Ang bagyo na may international name na “Nanmadol” ay huling namataan sa 570 kilometer North Northeast ng Basco, Batanes.
Lumakas pa ito at naging isang severe tropical storm bago makalabas ng bansa.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Sa ngayon sinabi ng PAGASA na Habagat ang umiiral sa bansa.
Sa forecast ng PAGASA, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mga rehiyon ng Ilocos, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.
Isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.