Magkakasunod na aksidente, maagang nagdulot ng masikip na traffic sa EDSA
Magkakasunod na aksidente ang naganap sa kahabaan ng EDSA dahilan para makaranas ng maagang pagsisikip sa daloy ng trapiko ang mga motorista.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas 4:00 ng umaga nang masagasaan ng isang pampasaherong bus ang isang lalaki sa malapit sa EDSA Ayala Tunnel Southbound.
Dead on the spot ang hindi pa nakilalang lalaki na nakasuot ng stripes na t-shirt at nakapantalon.
Ang pampasaherong bus ng Hi-Star Transport Inc., ang nakasagasa sa biktima.
Sa southbound din sa bahagi ng EDSA Extension sa Pasay, isang closed van naman ang tumagilid.
May kargang mga karne ang closed van nang ito ay tumagilid malapit sa bahagi ng Park Avenue.
WATCH: Closed van, tumagilid sa southbound ng EDSA Ext Pasay City | @BrozasRicky pic.twitter.com/20BTgC67Bc
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 2, 2017
WATCH: Closed van, tumagilid sa southbound ng EDSA Ext Pasay City | @BrozasRicky pic.twitter.com/q4fEXUpyXa
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 2, 2017
Alas 4:57 ng umaga ay mayroon ding nagkabanggaan na bus at van sa bahagi naman ng EDSA Buendia U – Turn slot.
Dahil sa nasabing mga aksidente maagang nagsikip ang daloy ng traffic sa kahabaan ng EDSA Southbound at umabot sa EDSA-Timog ang tail-end ng traffic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.