200 ang pinangangambahang nasawi sa paglubog ng bangka sakay ang mga African migrants

By Jen Cruz-Pastrana August 28, 2015 - 06:57 PM

ZUWARALumubog ang bangka na puno ng mga African migrants patungo ng Italy sa karagatang sakop ng Libya.

Pinangangambahang aabot sa 200 ang nasawi sa nasabing insidente,

Ayon sa mga opisyal mula sa western town na Zuwara, punong-puno ang bangka na tinatayang may sakay na 400 katao.

Nasa 201 pa lamang sa mga sakay ng bangka ang nailigtas na karamihan ay dinala sa detention facility sa Sabratha, Tripoli. Ang nasabing detention facility ang pinagdadalhan sa mga illegal migrants.

Galing sa sub-Saharan Africa, Pakistan, Syria, Morocco at Bangladesh ang mga sakay ng bangka.

Ang Zuwara, Libya na malapit sa Tunisian border ay pangunahing daanan para sa mga biktima ng human smuggling na dinadala sa Italy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.