Duterte, handang magdeklara ng ceasefire sa mga komunista
Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na magdekalara ng ‘total ceasefire’ sa Communist Party of the Philippines (CPP) kung papayag rin ang New People’s Army na gawin ito.
Sa kanyang talumpati nong Sabado sa 50th founding anniversary ng Davao Del Sur, nakiusap ang pangulo sa CPP na itigil na ang pakikipaggyera sa gobyerno upang mahinto na ang bakbakan at maumpisahan muli ang usapan.
Kung magdedeklara aniya ng tigil-putukan ang NPA, ay agad niya itong susundan ng deklarasyon ng ceasefire sa panig ng militar.
Kung magkakaroon aniya ng ceasefire sa NPA, ay mas matututukan niya ang pagsugpo sa mga terorista sa Marawi City.
Matatandaang noong Hunyo, kapwa nagdeklara ng ceasefire ang National Democratic Front of the Philippines at pamahalaan.
Gayunman, agad itong nabasag makaraang sugurin ng NPA ang himpilan ng pulisya sa Maasin, Iloilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.