“Task Force Water Hyacinth” binuo para linisin ang Pasig River

 

Pasig River Ferry | MMDA File Photo

Bumuo na ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng isang Task Force Water Hyacinth na mag-aasikaso sa paglilinis ng mga hyacinth sa ilog.

Nitong mga nagdaang linggo lamang ay naging malaking problema ang mga water hyacinth sa Pasig River na naging dahilan ng ilang beses na pagkaantala ng serbisyo ng Pasig River Ferry System.

Hindi kasi maaring suungin ng ferry ang bahagi ng tubig na may hyacinth sapagkat maari itong sumabit sa propeller na maari namang ikasira ng makina.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, isa talagang natural phenomenon ang pagkalat ng mga water hyacints lalo na’t panahon na ng tag-ulan.

Batid rin aniya nila na hindi naman talaga nila tuluyang maaalis ang mga hyacinths sa ilog dahil mataas ang antas ng nutrients sa tubig sa Pasig River.

Gayunman, tiniyak naman nila na mas paiigtingin pa nila ngayon ang paglilinis sa mga ito at gagamitin rin nila ang mga ito para mabigyan ng kabuhayan ang mga naninirahan sa paligid ng Pasig River.

Read more...