Road signs sa Tokyo, unti-unting pinapalitan ng English para sa 2020 Olympics
Bilang paghahanda sa 2020 Tokyo OIympics at Paralympics, sinimulan na ng Metropolitan Police Department (MPD) ang pagpapalit ng mga road signs sa Tokyo ng may mga kasama nang English translations.
Ayon sa police department ng lungsod, nasa 35,000 hanggang 140,000 na mga stop signs sa kabisera ng Japan ang kanilang papalitan hanggang sa pagbubukas ng Games sa 2020.
Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga dayuhang turista sa Japan noong 2016 na umabot sa 24 million, nagdesisyon ang National Police Agency na maglagay ng mga English translations sa mga road signs upang matulungan ang mga turista.
Uunahin nila ang pagpapalit ng mga road signs na nagbibigay ng direksyon sa mga dayuhan patungo sa mga tourist destinations, pati na sa mga lugar malapit sa airports.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.