Ito ay kung mapapatunayang may kinalaman ito sa pagbalewala ng Appellate Court sa inilabas na show-cause order ng Kamara para magpaliwanag ang tatlo nitong huwes na pumabor sa petisyon for habeas corpus ng tinaguriang Ilocos Six.
Sa pagdalo ni Alvarez sa oath-taking ceremonies ng mga bagong miyembro ng PDP-Laban sa Maasin City, Southern Leyte, ipinaliwanag nito ang posibleng hakbang na kanilang gawin kung mapapatunayan ang alegasyon laban sa Chief Justice.
Ayon kay Alvarez, nakatanggap siya ng impormasyon na si Sereno ang nagbigay ng kautusan sa tatlong huwes na balewalain ang show-cause order ng Kamara.
Giit ng House Speaker, sakaling lumitaw na totoo ang naging kautusan ni Sereno, ay maari itong magsilbing ‘ground’ para sa impeachment case.
Nagsimula ang tensyon sa pagitan ng Kamara at CA nang unang balewalain ng Kamara ang inilabas petition for habeas corpus na inihain ng kampo ng Ilocos Six.
Ang Ilocos Six ang bansag sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte na idinetine ng Kamara dahil sa pagkabigo umanong sagutin ang mga katanungan sa imbestigasyonsa umano’y iligal na paggamit ng tobacco funds ng lalawigan.