San Miguel, kampeon sa PBA Commissioner’s Cup

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Sa ikalimang pagkakataon, nakuhang muli ng San Miguel Beermen ang titulo bilang kampeon sa 2017 PBA Commissioners Cup Finals.

Ito na ang ika-limang titulong nakuha ng San Miguel sa loob ng tatlong taon.

Natalo ng Beermen ang katunggali nitong Talk and Text KaTropa sa Game 6 sa score na 115-91 sa laban na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, nitong Linggo.

Dahil sa panibagong kampeonato, umakyat na sa 24 ang nakuha nitong overall championship sa kabuuang 38 finals appearance.

Matapos ang Commissioner’s Cup, tanging ang Governor’s Cup na lamang ang kailangang masungkit ng Beermen upang makuha ang Grand Slam ngayong PBA season.

Read more...