Joint patrol, ilulunsad ng Indonesia at Pilipinas sa Celebes Sea
Magsasagawa ng joint patrol ang Pilipinas at Indonesia sa Celebes Sea ngayong papasok na linggo.
Ito ay para mapigilan ang mga Islamist militant na makalusot sa rehiyon ng Mindanao.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command spokesperson Major Ezra Balagtey, layunin ng joint patrol ang pagpapalakas sa border security ng Davao Gulf, at ang common boundary ng dalawang bansa sa southern archipelago, partikular na sa Celebes Sea.
Ang barko ng dalawang bansa ay maglalayag mula sa Davao City patungong Celebes Sea, sa darating na Huwebes.
Pinangangambahan ngayon ng gobyerno na posibleng tumawid ng Islamic State group sa maritime borders mula sa Malaysia at Indonesia para sumali sa mga rebelde na naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City.
Ang nasabing joint patrol at ikatlong beses nang gagawin sa rehiyon sa loob ng isang buwan.
Noong nakaraang Sabado, katuwang ng Pilipinas ang United States na nagsagawa ng pagpapatrulya sa timog na bahagi ng Pilipinas.
Ang isasagawang joint patrol ay matatapos sa susunod na linggo sa Manado City, sa Sulawesi Island.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.