Ilang lansangan sa Metro Manila, binaha matapos bumuhos ang malakas na ulan

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2015 - 06:55 PM

630Bumuhos ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila na nagsimula pasado ala 1:00 ng hapon kanina.

Batay sa thunderstorm advisory na inisyu ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang ala 1:05 ng hapon, apektado ng pag-ulan ang Metro Manila at mga lalawigan ng Rizal, Batangas, Cavite at Quezon.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha na dulot ng malakas na pag-ulan.

Naapektuhan ng malakas na buhos ng ulan ang Maynila, Quezon City, Marikina, Taguig, Pasig at Makati.

Sa Cavite naman apektado ang mga bayan ng Indang, Gen. Emilio at Alfonso. Ang mga bayan ng Tuy, Balayan, Lipa, Calaca, Padre Garcia, San Jose at Ibaan sa Batangas; ang Cainta at Taytay sa Rizal; ang Dolores, Candelaria, Tiaong, San Antonio at Catanuan sa Quezon.

Dahil sa malakas na buhos ng ulan, binaha ang bahagi ng Aurora Blvd. sa harap ng SM Centerpoint, ang kando ng Boni Serrano Ave. sa Quezon City at bahagi ng UN Ave sa Maynila.

Sa abiso naman ng MMDA, umabot sa gutter deep ang baha sa kahabaan ng Araneta Ave. mula sa Aurora hanggang Palanza.

Nagdulot din ng lalong pagsisikip sa daloy ng trapiko ang malakas na buhos ng ulan at mga pagbaha.

TAGS: thunderstorm advisory in metro manila, thunderstorm advisory in metro manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.