Ayon sa mga otoridad, tinarget ng car bombers ang matataong lugar sa Damascus, lalo pa’t ngayon ang unang araw ng pagbabalik sa trabaho ng mga tao matapos ang Eid’l Fitr holiday.
Nagawa naman na mapigilan ng security forces ang mga militante sa pagpalapit sa kanilang target, na kung hindi nangyari, ay posibleng mas marami ang namatay.
Sa ngayon ay wala pang umaako ng responsibilidad sa pagpapasabog.
Naganap ang unang pagpapasabog sa Old City district ng Bab Touma.
Ayon sa pulisya, bukod sa pitong nasawi, labing tatlo naman ang sugatan sa pag-atake.
Ang dalawang iba pang car bombs ay nagawa naman masira ng mga otoridad bago ito tuluyang sumabog.
Matatandaang noong March 15, dalawang suicide bomb attacks ang naganap sa Damascus, na agad na inako ng Islamic State ang responsibilidad.