Bigong maipanalo ng Filipino boxer at pinsan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jonel Dapidran ang kanyang laban sa isang undercard match sa “Battle of Brisbane”.
Nakaharap ni Dapidran ang Australian boxer na si Brent Dames
Natalo si Dapidran sa nasabing laban sa pamamagitan ng unanimous decision.
Naglaban sina Dapidran at Dames sa junior welterweight title sa unang undercard match ngayong araw.
Samantala, kaabang-abang na ang magiging laban ni Pacquiao kontra kay Jeff Horn, na magaganap din sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia para naman sa WBO welterweight championship.
MOST READ
LATEST STORIES