LPA sa Luzon, isa nang tropical depression – PAGASA

Isa nang Tropical Depression ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa silangan ng Luzon.

Pinangalanan ng PAGASA ang nasabing tropical depression na ‘Emong’.

Ayon sa weather bureau, namataan ang bagyo sa 765 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 47 kilometers per hour at pagbugso na 58 kph.

Gumagalaw ang tropical depression Emong sa direksyong northwest at sa bilis na 30 kph.

Inaasahan naman na palalakasin ng bagyon Emong ang southwest monsoon, na magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at thunderstorms sa Western Visayas, Negros Island, Caraga, Davao, at Soccsksargen Regions.

Read more...