Suspek sa Bulacan massacre, negatibo sa paggamit ng iligal na droga
Nag negatibo sa paggamit ng iligal na droga ang suspek sa pagpatay sa isang pamilya sa San Jose del Monte City sa Bulacan.
Ang suspek na si Carmelino Ibañez, na isang construction worker ay una nang umanin na siya ang pumaslang sa limang miyembro ng isang pamilya sa Bulacan.
Inamin din ni Ibañez na siya ay nakagamit ng droga nang patayin niya ang mga biktimang sina Estrella Carlos, Aurora Dizon, tatlong bata na sina Donnie, 11 yrs old; Ella, 7 yrs old; at isang taong gulang na si Dexter Jr.
Lumalabas din na posibleng ginahasa pa si Estrella at ang kanyang limampu’t walong taong gulang na ina na si Aurora.
Sa kabila nito, sinabi ni San Jose del Monte City police chief Supt. Fitz Macariola na hindi maaapektuhan ng naging resulta ng drug test ang limang kaso ng murder at dalawang bilang ng rape na inihain laban sa suspek.
Ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng dalawa pang lalaki, na nakilala lamang sa mga pangalan na “Inggo” at “Tony”, na una nang sinabi ni Ibañez na kasama niya nang atakihin nila ng mga biktima.
Matatandaan nang iharap sa media ang suspek si Ibañez noong nakaraang Huwebes, sinabi nito na pinagsisisihan niya ang kanyang ginawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.