Nilinaw ng Commission on Human Rights (CHR) ang ginagampanan tungkulin sa gobyerno.
Kumalat sa social media ang infographic na inilabas ng CHR na mandato nitong maging ‘konsenysya ng gobyerno.’
Ipinahayag ng CHR na tungkulin nitong protektahang ang karapatang pantao ng mga mamamayan mula sa pang-aabuso ng estado, gaya ng gobyerno, pulisya at militar.
Ayon sa komisyon, sinisiguro nilang walang pang-aabuso sa bahagi ng gobyerno at pinoprotektahan ng gobyerno ang karapatan ng lahat ng mamamayan.
Paglilinaw pa ng CHR, Philippine National Police (PNP) ang naatasang hawakan ang mga krimen ng mga taong hindi opisyal ng gobyerno, at tugunan ito.
Ayon kay CHR Commissioner Roberto Eugenio Cadiz, hindi nila tinutuligsa ang programang pangakapayapaan at pangkaayusan ng gobyerno, at maging sa paghahabol sa mga sindikato ng iligal na droga.
Sa panayam ng Inquirer, iginiit ni Cadiz na ang kinokontra nila ay ang pagpapaikli ng proseso, gaya aniya sa pagpatay ng mga akusado na napapatay sa gyera kontra droga.
Ang CHR ay binuo sa ilalim ng Article 13, Section 17 ng Saligang Batas 1987. Nakasaad din ang kapangyarihan nito sa ilalim ng Section 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.