Suspek sa Bulacan Massacre, minura ni Duterte; Human rights groups, inupakan
Pinagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspek sa pagmasaker sa limang myembro ng pamilya Carlos sa San Jose del Monte, Bulacan noong June 27.
Sa kanyang talumpati sa Tagum City, aniya, “A grandmother, a wife, three children, patay. Anong sinabi ng p*tang ina niya? ‘Trip trip lang ’yun, sir’.”
Matatandaang inamin ng suspek na si Carmelino Ibañez na pinatay niya ang pamilya ni Dexter Carlos.
Kasabay nito, tinuligsa rin ni Duterte ang human rights group sa aniya’y pagbubulag-bulagan ng mga ito sa mga biktima ng mga kriminal, habang dinedepensahan ang karapatan ng mga suspek.
Pahayag ni Duterte, “Pero ito, you can never hear the human rights, or the human rights lawyers… even just an expression of sympathy or condemnation. Walang pakialam ang mga g*go.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.