Pwersa ng gobyerno, hindi lilisanin ang Marawi hangga’t hindi napapatay ang kahuli-hulihang terorista

By Rohanisa Abbas July 01, 2017 - 07:45 PM

“We will not go out there until the last terrorist is executed.”

Ipinahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ika-50 Anibersaryo ng Pagtatatag ng Davao del Norte.

Nanindigan si Duterte na kailanman ay hindi siya makikipagkompromiso sa mga terorista sa gitna ng patuloy na bakbakan ng pwersa ng gobyerno at Maute terror group sa Marawi City.

Ayon sa Pangulo, walang ideolohiya ang naturang Islamic State-inspired group, at sinira nito ang Islam.

Dagdag ni Duterte, walang nasyonalismo ang Maute terror group.

Matatandaang nilusob ng teroristang grupo ang natatanging Islamic City sa bansa para umano itayo ang Shariah o Islamic Law, ngunit umulan ng pagkundena sa Muslim community ang pag-atake ng grupo.

Samantala, pinahayag din ng Pangulo na mabigat ang kanyang kalooban ngayon dahil sa mga nasasawing sundalo sa kaguluhan sa Marawi City.

Sa pinakahuling tala, umabot na sa 82 ang bilang mga sundalong napatay sa bakbakan sa lungsod.

TAGS: Davao Del Norte, duterte, marawi, Maute, terorrism, Davao Del Norte, duterte, marawi, Maute, terorrism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.