Malacañang, tikom ang bibig sa alegasyong ginagamit ang mga ospital para itago ang drug killings

Tikom ang bibig ng Malacañang ukol sa ulat na ginagamit umano ng pulisya ang mga ospital para galawin ang ebidensya ng mga pagpatay kaugnay sa giyera kontra droga, at itago ang umano’y execution sa drug suspects.

Inulat ng pahayagang Reuters na dinadala umano ng mga pulis ang drug suspects sa mga ospital para iwasan ang imbestigasyon sa crime scene, at para iwasan din umano ang mga mamamahayag na maaaring ipakita ang pagpatay umano sa drug suspects.

Sa isang panayam, ipinahayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na sinagot na ng Philippine National Police ang alegasyong ito.

Sa hiwalay na panayam, una nang idinepensa ni PNP Chief Ronald dela Rosa walang kwalipikasyong medical ang mga pulis para tukuyin kung patay o buhay ang drug suspects kaya itinatakbo ito sa ospital.

Read more...