Mga miyembro ng INC nagsimula nang magtipun-tipon sa EDSA shrine
Nagsimula ng dumami ang bilang ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA Shrine sa Ortigas.
Ang ilan sa mga miyembro ng INC ay may bitbit na tarpaulin na nagpapahayag ng pagbatikos kay Justice Sec. Leila De Lima.
Ayon sa ilan sa mga miymebro ng INC na nakausap ng Radyo Inquirer, inaasahan nila na mapupuno ang harapan ng EDSA shrine ngayong gabi dahil maging ang mga INC members mula sa mga lalawigan sa Norte ay magtutungo ng Metro Manila.
Kasabay ng unti-unting pagdami ng mga INC members ay nagdatingan na rin ang mga tauhan ng Eastern Police District ng Philippine National Police (PNP).
Inaasahan na simula mamayang gabi, ang mga INC members na nasa kahabaan ng Padre Faura ay sasama sa pagtitipon sa EDSA Shrine.
Magsasagawa ng programa doon ang grupo hanggang sa Linggo.
Ang pagkilos ay bahagi ng pagkundina ng mga INC members sa anila ay pakikialam ni De Lima sa sigalot sa loob ng INC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.