PDEA, suportado ang death penalty kasunod ng Bulacan massacre

By Alvin Barcelona July 01, 2017 - 04:49 PM

Muling nagpahayag ng all out support ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinusulong na pagbuhay sa parusang kamatayan sa bansa.

Kasunod ito ng pagkakaaresto kay Carmelino Ibanez, isang 26 anyos na construction worker na umamin na minasaker ang limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte Bulacan habang nasa impluwensya ng iligal na droga

Sa isang pahayag sinabi ni PDEA Director General Isidro S. Lapeňa na naniniwala sila na isang malakas na deterrent ang death penalty kontra sa iligal na droga at heinous crime.

Iginiit ni Lapeña na tanging mga sabog sa droga ang maaaring gumawa ng brutal na krimen laban sa mga walang kalaban laban nitong mga biktima.

Kumbinsido si Lapeña na kailangan ng mas matinding kaparusahan ang dapat na ipataw laban kay Ibanez, sa mga manufacturer, smuggler, pusher lalo na sa mga nangangalaga at protektor ng iligal na droga sa bansa.

Dagdag pa ni Lapeña, dapat ipataw ang death penalty pareho sa mga dayuhan at lokal na sangkot sa iligal na droga.

Base aniya sa pinakahuling survey ng Social Weather Survey (SWS) noong March 25-28, 2017, 6 sa 10 Pilipino o 60 porsyento ang pabor sa pagbabalik ng death penalty.

Ipinapakita aniya nito na sa kabila ng oposisyon dito ng simbahan at iba pang sektor, mas marami pa ring Pilipino ang sumusuporta sa capital punishment.

TAGS: Bulacan massacre, Carmelino Ibanez, Isidro S. Lapeña, PDEA, Bulacan massacre, Carmelino Ibanez, Isidro S. Lapeña, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.