Ilang negosyante, masaya sa unang taon ng administrayong Duterte

By Angellic Jordan July 01, 2017 - 11:03 AM

Inquirer photo

Nasisiyahan ang ilang lokal na negosyante sa unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay George Barcelon, president ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), hindi maituturing na perpekto ang buong pamamalakad ng adminstrasyon dahil sa ilan ring nagagawang kakulangan.

Ngunit sa kabuuan, nananatili aniyang kampante ang mga negosyante dahil sa magandang pundasyon para sa pagpapalawig ng ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa nito, “game changer” ang foreign policy at ipinatupad na gyera kontra ilegal na droga.

Ang importante, ayon kay Barcelon, nakikita na ngayon ang progreso ng mga investments at development assistance mula sa ibang bansa mula sa foreign trips ng Punong Ehekutibo.

TAGS: ekonomiya, George Barcelon, negosyante, Rodrigo Duterte, ekonomiya, George Barcelon, negosyante, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.