Ph, US, sanib-pwersang nagpatrolya sa Sulu Sea

By Jimmy Tamayo July 01, 2017 - 10:51 AM

Photo courtesy: US Embassy

Nagsanib-pwersa ang Pilipinas at Estados Unidos para magpatrolya sa Sulu Sea.

Kinumpirma ng US Embassy na natapos na ang tri-border maritime security ng dalawang bansa.

Ginamit sa patrolya ang littoral combat ship na BRP Ramon Alcaraz at ang USS Coronado na naglalayong matukoy at mapigilan ang anumang sa seguridad ng bansa.

Sinabi ni Rear Admiral Don Gabrielson, commander ng Task Force 73, nais palakasin ng dalawang bansa ang “regional peace and stability” sa at-sea operations sa Philippine Navy.

Nilinaw pa ni Gabrielson na ang nasabing aktibidad ay naaayon na rin sa imbitasyon ng pamahalaang Pilipinas.

Bukod sa pagpapatrolya, nagpalitan din ng kaalawan ang magkabilang pwersa gaya ng “search and seizure technique at information sharing.

Kabilang din sa babantayan ang piracy at transnational criminal activity sa karagatan.

Nauna nang naglunsad ng joint patrols ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia sa karagatan ng Sulu kasunod na rin ng pagsiklab ng gulo sa Marawi City noong nakaraang buwan.

TAGS: Amerika, BRP Ramon Alcaraz, Pilipinas, US Embassy, USS Coronado, Amerika, BRP Ramon Alcaraz, Pilipinas, US Embassy, USS Coronado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.