Pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi City, nalalapit na – Pang. Duterte

By Angellic Jordan July 01, 2017 - 09:45 AM

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit ng matapos ang nagpapatuloy na sagupaan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group sa Marawi City.

Ayon sa Punong Ehekutibo, isang indikasyon ay ang pagbawas ng mga miyembro ng terorristang grupo upang tuluyang makuha ng gobyerno ang kontrol sa lungsod.

Sa kabila nito, hindi itinanggi ni Duterte na hindi niya tiyak ang eksaktong petsa kung kalian matitigil ang kaguluhan.

Gayunman, ipinarating ng pangulo na huwag mabahala dahil sigurado aniyang mananalo ang pwersa ng gobyerno laban sa mga terorista.

Muling namang humingi paumanhin si Duterte sa mga naiwang pamilya ng higit 70 tropa ng militar na nasawi sa sagupaan.

Samantala, iginiit ni presidential spokesman Ernesto Abella na binalaan ng pangulo ang mlitar sa pagpasok ng presenya ng Islamis State o ISIS sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng kaniyang termino.

Ito ay kasunod ng mga lumalabas na pamumuna ng ilang analyst na inuna anila ng administrasyong Duterte ang gyera kontra ilegal na droga kumpara sa pagsugpo sa terorismo.

TAGS: ISIS, Marawi City crisis, Maute Group, Rodrigo Duterte, ISIS, Marawi City crisis, Maute Group, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.