Ayon kay Brig. General Alan Arrojado, naganap ang engkwentro alas 6:29 ng umaga kanina sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Marines at nasa 300 bandido sa Mt. Awak sa Barangay Latih sa bayan ng Patikul.
Tumagal ng isang oras ang sagupaan. Hindi naman natukoy ng mga sundalo ang bilang ng mga sugatan sa panig ng Abu Sayyaf.
Ang grupong nakasagupa ng mga sundalo ay pinamumunuan umano nina Hatib Hajan Sawadjaan, Muamar Askali, Almuktar Suddung, Namiel Ahajari at Basaron Arok na pawang tagasunod ng subcommander na si Yasser Igasan.
Kasama ng nasabing grupo ang isang miyembro ng Jemaah Islamiyah na si Amin Bacu alyas Abu Jihad at Khalid, at isa pang hindi nakilalang JI Member.
Ang mga nasugatan namang marines ay dinala na sa pagamutan para malapatan ng lunas.