Recycling facility sa Boracay, pinalilinis ng DENR sa lokal na pamahalaan
Tinututukan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lokal na pamahalaang nakatoka sa pagresolba sa problema sa basura sa sikat na Boracay island.
Nitong Hunyo lang ay lumagda sa isang undertaking ang DENR kasama si Malay, Aklan Mayor Ciceron Cawaling, kung saan nangako ang lokal na opisyal na pagdating ng July 17 ay aalisin na nila ang mga basurang naka-imbak sa materials recovery facility sa Barangay Manoc-Manoc.
Napag-alaman kasi ng DENR sa pamamagitan ng imbestigasyon na nagsilbing “open dump” ng halu-halong basura ang MRF sa isla.
Ang tanging nakikita lang nilang konklusyon dito, ay na hindi maayos na naipatupad ang waste segregation.
Nagrereklamona ang mga guro at mga mag-aaral sa isang kalapit na paaralan dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa mga basura.
Minsan pa ayon sa DENR ay umaabot ito sa puntong naaabala na ang mga klase dahil dito.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, kung hindi pa rin ito mareresolbahan ng lokal na pamahalaan, makakasuhan si Cawiling ng paglabag sa RA No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Nangako naman si Cawaling na ililipat na ang mga basura sa sang sanitary landfill sa mainland ng Malay sa pamamagitan ng isang barge.
Magsusumite rin sila ng ulat sa DENR tungkol sa kung gaano karaming solid waste na ang naalis sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.