Dahil sa malakas na pag-ulan nakaranas ng aberya ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) line 2.
Sa abiso ng LRTA, alas 5:01 ng hapon nang ipatupad nila ang provisionary service.
Anonas hanggang Recto stations lamang at pabalik ang naging biyahe.
Habang wala namang biyahe mula Anonas patungong Santolan stations at pabalik.
Paliwanag ng LRTA, mayroong catenary wire na tinamaan ng malakas na kidlat.
Hindi naman tinukoy ng LRTA kung saang istasyon.
Samantala, pasado alas 7:00 ng gabi nang magpalabas ng panibagong abiso ang LRTA.
Ayon sa LRTA management, J.Ruiz hanggang Recto na lamang at pabalik ang kanilang biyahe.
Ito ay para bigyang daan ang pagsasaayos ng nasirang catenary cable malapit sa Anonas station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.