Malakanyang pinag-iingat ang publiko sa pag-atake ng NPA

Nagbabala ang Palasyo sa mga nakatakdang pag-atake ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa press briefing sa Davao City, hindi naman tinukoy ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang mga lugar na target ng paglusob ng NPA.

“We also wish to forewarn the public of reported planned attacks of the NPA on people-oriented programs and infrastructure projects and we request the citizenry of Mindanao and everyone else in the country to be on the alert and on the lookout,” ayon kay Abella.

Ito’y sa kabila naman ng isinusulong na usapang pangkapayaan ni Pangulong Duterte sa National Democratic Front (NDF).

Hinikayat din ni Abella ang publiko na ibahagi sa mga otoridad ang mga impormasyon sakaling may mga kahina-hinalang indibidwal o aktibidad sa kanilang komunidad.

Ayon pa kay Abella, pangunahing ginagawa ngayon ng NPA ang pangingikil sa iba’t ibang indibidwal.

 

 

 

 

 

Read more...