Investments at people to people ties, sentro ng pulong nina Pangulong Aquino at Thai PM Chan-o-cha

By Alvin Barcelona, Dona Dominguez August 28, 2015 - 12:52 PM

prayut-malacanang
Mula sa Inquirer.net

Naging mabunga ang bilateral meeting nina Pangulong Benigno Aquino III at ni Thailand Prime Minister General Prayut Chan-o-cha sa Malakanyang.

Tumutok sa usapin ng trade and investments at sa people to people ties ang ginawang bilateral meeting ng dalawang pinuno.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Pangulong Aquino na matapos ang courtesy call at naging mabunga ang extended meeting ng dalawang leader.

Kabilang sa nilagdaang kasunduan ng dalawang bansa ang memorandum of agreement para sa exchange ng mga professional teachers at kasunduan sa youth and children development.
Kaugnay nito nagpasalamat si Pangulong Aquino sa $100,000 na financial assistance at donasyon na bigas ng Thailand para sa mga biktima ng bagyong hagupit.

Ipinarating din ni Pangulong Aquino ang kanyang pakikidalamhati kay Chan-o-cha kasunod ng pambobomba na naganap sa isang religious site sa Thailand.

Samantala, isang dayuhan na nagsabing bahagi umano siya ng contigent ng Prime Minister ang hindi pinayagang makapasok sa loob ng compound ng Malakanyang.

Nakipagtalo pa ang ‘Caucasian looking’ na lalaki sa mga tauhan ng Presidential Security Ggroup (PSG) nang siya ay sabihan na manatili lamang sa labas ng Palace grounds.

Ayon kay PO2 Ariel Malana ng PSG, nais ng nasabing lalaki na makapasok at masaksihan ang event pero naka-casual attire lamang ito.

Duda ang PSG na kasama nga ng contigent ng Thai Prime Minister ang lalaki dahil nakita itong sakay lamang ng taxi ng dumating sa malakanyang at hindi rin makapagpakita ng ID.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.