Bilang ng mga nasawing sundalo sa Marawi siege, nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2017 - 12:42 PM

Photo Credit: Zia Adiong-LDS-CMC

Umakyat na sa 82 ang bilang ng mga tropa ng pamahalaan na nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa press briefing na ginanap sa Davao City, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na sa pinakahuling update, 44 na sibiliyan na ang naitalang patay, 1,713 ang nailigtas, 303 na terorista ang napatay at 82 ang nasawi sa tropa ng pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, patuloy ang kanilang clearing operations sa mga lugar kung saan nagkukuta pa rin ang mga rebelde.

Sa pagtaya ng sandatahang lakas, nasa 100 na lang o mas mababa pa ang natitirang bilang ng mga kalaban.

Sinabi ni Padilla na hindi titigil ang pwersa ng pamahalaan hangga’t mayroong naiiwan na mga armadong elemento sa Marawi City.

 

 

 

 

 

TAGS: Marawi City, Maute, Mindanao, Radyo Inquirer, Restituto Padilla, Terrorism, Marawi City, Maute, Mindanao, Radyo Inquirer, Restituto Padilla, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.