Morale ng mga sundalo, pinakamataas sa kasaysayan sa ilalim ng pamumuno ni Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2017 - 11:47 AM

Ngayon lamang nangyari sa kasaysayan ng bansa na naipamalas ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang paninilbihan ng walang bahid ng pansariling interest.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla ngayong nakaisang taon na si Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang commander-in-chief.

Sinabi ni Padilla na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte bilang kanilang commander-in-chief ay napakataas ng morale ng mga sundalo at ngayon lamang aniya nangyari na naipamamalas ng mga sundalo ang pagseserbisyo nang walang bahid ng self-interest.

Kaugnay nito ay nagpasalamat si Padilla sa tiwalang ibinibigay ng pangulo sa armed forces.

Hindi aniya lingid sa kaalaman ng publiko na talagang hayag ang pangulo sa pagsuporta at pagpapakita ng kaniyang malasakit sa mga nasusugatang sundalo at sa pamilya ng mga nasasawing tropa ng pamahalaan.

Tiniyak ni Padilla na ang tiwalang ito ng pangulo at maging ng publiko ay ibabalik ng AFP sa pamamagitan ng tapat na pagsisilbi.

TAGS: AFP, duterte, high morale, Radyo Inquirer, Restituto Padilla, soldiers, AFP, duterte, high morale, Radyo Inquirer, Restituto Padilla, soldiers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.