Notoryus na drug pusher, patay matapos masabugan ng inihagis niyang granada

Kuha nI Jong Manlapaz

Dead on the spot ang isang notoryus na drug pusher na si Freddie Aguirre alyas Pido, matapos na manlaban sa ikinasang drug operation ng mga otoridad sa Phase 8B, Package 13, Block 4, Lot 18, Brgy 176 Bagong Silang, Calocan City.

Ayon kay Caloocan Chief of Police P/SSupt. Chito Galvez Bersaluna nag-ugat ang operasyon sa kanilang natanggap na impormasyon kaugnay sa iligal na operasyon ni Aguirre sa lugar.

Papasok pa lamang daw sa bahay ng suspek ang mga otoridad nang makita nilang may hawak itong granada at akmang ihahagis sa tropa.

Dito na inunahan ng putok ng mga otoridad si Aguirre na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Matindi umano ang pinsalang natamo ng naturang suspek, matapos sumabog sa mismong kamay nito ang hawak na granada.

Nakuha sa crime scene ang hindi babang sampung gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000 at mga drug paraphernalia.

Kabilang si Aguirre sa mga nasa drug watchlist ng pulisya.

 

 

 

 

Read more...